Tuesday, December 16, 2008

No 13th month pay yet?

Ugggh.. One more week left and it's Christmas. Sadly, we haven't received our 13th month pay yet. They told us that they'll be giving it this Friday, December 19.

I can't wait! I have no shopping money yet. I need it badly. Our Christmas party will be on Friday also and we have Kris Kringle. Minimum price of the gift is 500 pesos. Gesh. The person I picked hasn't written in HIS wishlist yet. I only have two days to shop. Grr, I really hope the thing he wants is easy to find and purchase.

As for me, I am wishing for a pair of Havaianas flipflops. Any pair would do 'coz I know it costs 600+ pesos (simple design) and 800+ pesos (with design). If the person who picked me is generous, I would probably receive a pair. I really wish our boss picked me. LOL! If not, I might receive my 2nd choice in my wishlist: headset/earphones. You can buy one for 500 pesos or at least would not go beyond 600 pesos if you know where to find such.

I'm bored now.

Though I'm thinking about the 13th month pay, shopping, gifts and food! I'm really excited for Christmas!

Tuesday, November 25, 2008

Airhead

I feel like an airhead lately. Sobrang nakakabobo tong task ko ngayon.

Paulit-ulit.. as in.

Nakakatamad na. Pang low brainer naman. Grrr. Taga-upload lang nga content. Hayz.

Nauubusan na ata ako ng brain cells.

Ano na nga ule english ng nakakatamad? Lazy ass. Right. Dunno..

ZZzzZzzz...

Wednesday, November 12, 2008

Good.

I haven't visited this blog for quite a while. Probably because I don't have something to rant about. Hmm.. I think that's a good thing.

High five to my life lately.. Though the peeps here in the office is still weird and annoying sometimes, I would just ignore them 95% of the time. This day is quite boring and I feel sleepy now. I didn't have much sleep last night for I watched America's Next Top Model (Cycle 11) 'till 2am. Woah! I feel a bit dizzy. Help! I need some energy or else I would fall asleep on my office desk in no time. Coffee!!! I need a nice hot cup o' coffee!!!

Monday, November 3, 2008

Last Warning

Last warning my ass!!! Ang ganda ganda ng umaga ko, bigla kang magmemessage ng last warning, bawal mag-games? Utut!

Aba aba at naninita ka na ngayon, eh yang mga alipores mo? I doubt it na sinisita mo din sila.

At kelan ka ba nag-warn na bawal maggames during office hours? Nagwarn ka na ba? Eh bakit last warning na agad??? Last warning my ass!!!

Wednesday, October 22, 2008

Mixed emotions

Kakaloka ang nararamdaman ko ngayon. Halo-halo.

Una, naiirita ko sa mga opismates ko. Hindi manlang nagimbita sa papizza nila. I mean beforehand. Manglilibre pala ng pizza for lunch, 'di manlang sinabi agad. Bumili pa ako ng food tuloy. Grrr.

Pangalawa, naiinis ako sa panget na ex ng bf ko. Parang painggit effect siya kasi sila uli ng ex nya. Ano ngayon? Kung ano anong echos ang nilalagay sa shoutout sa friendster. Ang primary pic pa nya, silang dalawa tapos ang captions? "♥Happiness♥". Buti naman kung kagwapuhan ang bf nya, eh mukhang jebs naman. Moon craters ang mukha at naninilaw pa ang ngiti. Eww ha. Proud ka pa ah. At etong si guy, tinignan naman ang friendster profile ng bf ko. Eh feeling ko naman si babae ang tumingin nun. Mabuti na lang may feature na "Who's viewed me" sa friendster. Tapos ayun, binuksan ko kasi halos pareho sila ng primary pic. Iba lang ata ang posing, LOL. At ang caption? Mas kadiri! ♥ME + HER + FOREVER = LIFE♥ Ilalagay ba ng lalaki yun? Same pa na may heart. Si girl yun malamang. AS IF! Ako inggit? No way, please lang ah! Nakakasuka kayo! Bagay nga kayo eh, alam nyo kung bakit? Pareho kayong CHAKA! Belat!

Pangatlo, masakit ang tiyan ko ngayon. Ano ba nakain ko ngayon? Beef with oysters ang binili ko kay manang. Naku baka panis na yung nilagay nya sa food ko. Hayz! -__-

Pang-apat, nakatirik na ang mga mata namin sa kakahintay ng commision namin. Ano vey?? Kelan nyo bibigay yun? Magtatapos na ang October. Please lang!

Pang-lima, gusto ko na magbakasyon pero di pa kami nakakapagplano ng loves ko. Atat nako gumala. Batong bato nako sa opis. Nakakapeste din mga tao dito eh.

Pang-anim, kinakabahan ako na hindi. Kasi may interview ako mamaya!! Wahh! Sana naman maganda ang offer nila sa akin. Sana mataas sahod, nice benefits, freebies, commission, upto 15th month pay(haha!), has good working environment, friendly and true people, with very fast internet connection, cool PC, secured and workplace with privacy. Sana naman wag masyado english ang tanong nila. Baka ma-nosebleed ako. Wag naman sana. Hehe.

Pang-pito, nagugutom ako ule. Nakakagutom kasi yung PIZZA na pinadeliver nila eh. Grr.

Pang-walo... wala bored na ako. as usual.

Tuesday, October 14, 2008

Abuso

Sha nga naman.. Hindi nyo ba alam ang definition ng word na ABUSO? Sige let's translate it in English. Baka kasi sosy kayo at hindi makaintindi ng simpleng tagalog.

Abuso - English is "Abuse"
Definition: refers to the use or treatment of something (a person, item, substance, concept, or vocabulary) that is seen as harmful. The term comes from the words "abnormal use". It can be used for anything ranging from the misuse of a piece of equipment to the severe maltreatment of a person.

Sa lagay ninyo, abuso na kayo sa lahat!

1.) Sa pagiging LATE. Super consistent ang pagiging late nyo.
2.) Breaktime: Ilang beses ba kayo mag-break during office hours. TWICE! At bawat break, mahigit isang oras ang kinokonsumo nyo.
3.) Petks: Sobra na sa petiks. Kung hindi ebay, multiply. Kung hindi multiply, blog. Anu beh, magsitrabaho nga kayo.

Mga bwiset!!!

Sunday, October 12, 2008

Liza Minneli

Naks gagong gupit si opismate! Ahaha!! Ano feel mo bagay sa iyo? Ano kayang naisipan mo at nagpagupit ka ng ganyan? Depressed? Heart-broken? O talagang gusto mo lang magpapansin? Nyahahaha!

Sorry pero di bagay sa'yo eh. Pagpasok mo sa office, isang tao lang naalala ko dahil sa bagong hairdo mo ngayon. Eto ka oh:



Si Liza Minneli! LOL!

Thursday, October 9, 2008

Galaw galaw naman!

Woist! Nagtatrabaho ka ba talaga? Kitang kita ko mga ginagawa mo sa PC mo. At lahat ng yan, hindi work related po! Magtrabaho ka nga!

Kaya bumabagsak ang sales natin eh. Tapos ano sinisisi mo bakit hindi nakakaquota?? Bagsak ang economy sa U.S? Patawa ka ah!

Oh please! IKAW ang rason!

Sarap mong sabunutan! Umayos ka nga at magtrabaho, pwede???

Friday, October 3, 2008

Nakalimutan tumawag

Nakakainis naman si boyfriend. Ang sabi nya tatawag daw sya ulit magbibihis lang daw siya (after ng basketball game). Eh ano na nangyari? Isang oras na, hindi pa din tumawag. Hung hindi pa ako mismo ang tatawag, hindi ko pa siya makakausap ulit.

Hay.

Talaga naman oh..

Ang dahilan? "Ay nakalimutan ko, kumakain kasi kami eh."

Birthday daw kasi ng officemate nya. Libre food and videoke dun sa may Music 21. Hay. Kaya eto ako ngayon, loser. Mag-isa lang sa bahay. Walang gimik. Friday na friday... Hay....

Grabe nakabihis ka na lahat lahat, nakapunta na sa restaurant/videoke, tapos kinalimutan na akong tawagan.

Grrr..

Nag-sabi naman siya ng sorry.. pero 'di ba, parang may tampo factor pa din ako. Hayy.. Ni hindi nga nagtagal ang tawag ko. Binaba na agad kasi nga daw kumakain sila. Sadness.. Wala lang.

Sha sige magiinternet na lang ako buong gabi.

Thursday, September 25, 2008

Headache

Today is a bad day. My morning did not turn well. I was late for work. That biatch arrived later than me. I hate her. Consecutive lates since effective ang memo ni Sir. Ang kapal talaga ng pagmumukha nya. Abuso.

Tumawa lang ng dumating siya. Eto namang "Boss" namin, hindi dinidisiplina!!! Ano ba namang nangyayari sa kompanyang ito. Ang sarap nilang paguntugin. Itong chaka na toh, masyado pang feeling. Feeling!!! Kapal pa ng mukhang ibahin ang ayos ng la mesa nya. Para ano? Para tago siya? Para hindi kita mga kagaguhan nyang pinagagawa. Ang pagpepetiks. Ang pagnuod ng youtube?

Eto namang friendly friends nya, isa pang major petiks! Walang ginawa kung hindi mag-ebay! Puro kalandian... Bag, relo, make-up.. Ano feel mo sosyal ka? Eh mukha mo nga hindi mo mapaayos! Nakakainis.. Kaya naman pala hindi umaabot sa quota ang sales eh! Tapos ano? Damay kami? Leche talaga!

Sumasakit ulo ko sa kanila ah. Mga walang kwenta mga pinagkukuha nilang empleyado. Pwede ba. Mag-hire naman kayo ng hindi nyo kakilala. Simula ng pumasok ang mga writers, puro kaibigan na lang hinahire nyo. Ang tanong qualified ba yan?? Mabuti pa sigurong hindi qualified pero pagnatuto ng trabaho, trabaho talaga. Eh sila? di nga nga qualified, puro petiks pa?! Eh papano na mangyayari sa company na yan? Kaya nalalagas mga empleyado nyo eh.. Mga matitinong empleyado ah, pinapabayaan nyo kasi.

Haaay.

Hiniram pa susi ko sa opisina! Kung magpa-duplicate ka kaya?

Umulan pa, wala akong payong. Kaya ayun, nagjeep na lang ako. Buti na lang dumaan sa harap mismo ng bahay namin.

Paguwi sa bahay, magulo. Makalat. Sakit pa sa ulo. Kelangan pang maggrocery kasi wala ng stock sa ref at food cabinet.

Haaay.

Tumawag pa yung kaibigan ko, nag-cancel ng lakad namin bukas. Matagal ng pinlano, Tapos i-cacancel kinagabihan lang. Nakakabwiset dba?

Sakit sa ulo. Today is really a bad day.

Gotta go and have a rest.

Tuesday, September 23, 2008

Loneliness

As they say, people we meet just come and go. To the people whom we meet because we got introduced to him/her by a friend, someone we met in a party, a schoolmate, your dentist, next door neighbor, etc.

In my case, I'm referring to my colleagues. The people whom I consider as my friends or even siblings when I'm in the office. It's sad to know that some of them already resigned. I mean I am happy for them for they got a opportunity for their career path. But the sad part is, we would see each other as often as we could. I know there are lots of ways to stay intact in communication, but still. There's a part of me that is struggling. I feel depressed.

A while ago, I didn't have someone to join me for lunch. Most of my friends were absent or has gone lunch out with someone. I mean, I have other officemates but I'm not really close to them. I felt so alone.

Hay.

A friend of mine just gave a resignation letter to our boss. Nagulat ako. Alam ko na may plano na siya but I dunno when. I didn't know this was the time.

I'm gonna miss that friend. I was actually planning to resign from our company too. But I have a lot to learn before I make the move. Probably next year.. As for now, I must study and learn in order to survive.

Goodluck in all your endeavours friend! Kita kits na lang.. Alam ko sa tabi tabi lang ang bagong lilipatang company.

Monday, September 15, 2008

Mga pa-star!

Iba nga naman mga tao dito oh. Nagbigay na nga ng notice na iba na ang mga shifts sa pagpasok sa opisina, late pa din! At nagbreakfast pa ah! Walang kasing kapal ng mga mukha talaga.

At nagtataka sila kung bakit ang baba ng sales? Iba yang baguhin kasi. Hindi shifts sa pagpasok at hindi pag-rerenovate ng opisina. Yung ibang mga empleyado mo ang baguhin mo! Bwahaha! Mga wala silang silbi. Ni hindi nga sila natatakot sa boss eh. At bakit? Kasi friendly friends sila? Akala ko ba walang kaibikaibigan?

Wala eh. Yang mga baong salta mo, sige lang sa petiks. Sige lang sa magbreakfast araw-araw. Hindi pa kasama ang lunch at meryenda nila ah. Take note! Ilang oras kaya napupunta ang pagtratrabaho? Hmm... Ewan.

Simula nung dumating kayo, bumabagsak ang sales! Mga salot kayo! Lol! Dinadamay mo pa kaming matitino at maayos magtrabaho. Grr!

Sunday, September 14, 2008

Wala pang sahod?

Dapat nung friday pa kami nagkasaod pero hanggang ngayon wala pa? Mga sinungaling talaga mga taga-Pampangga! Ang sabi dineposit na pero hanggang ngayon wala pa?! Grrr!! Inaasahan namin ang pera namin!

Hindi kami tanga na kapag sinabi nyong nadeposit na, hihintayin ng ilang oras para ito mahulog sa mga accounts namin? Hello? Same bank lang naman iyon! Ang expect namin automatic na nahulog na mga pera namin. Tska kung kelang pasara na ang bangko, kelan lang kayo magdedeposit? DAPAT UMAGA PA LANG!

At sabi pa ni Sir sa sabado meron na? Nagcheck kaya ako ngsabado ng gabi, WALA PA! Mamimili pa naman ako sa Greenhills, nauwi sa wala kasi wala pang pera.

Ngayon lunes na, nagcheck ule kami kanina lang.. And guess what? Wala pa din!!!

Ano ba? Umayos kayo ng pagsasahod ng tao nyo kung ayaw ninyong layasan namin kayo!

Bwiset!

Friday, September 12, 2008

Unang rant

Marami tayong kinaasaran sa buhay. Maaring tao, pangyayari sa buhay, gamit, nararamdaman sa sarili at marami pang iba. Tao lang. Minsan hindi nakokontento, hindi na masaya, at nadedepress lang paminsan minsan.

Itong blog na ito ay gagawin kong rant absorber ko. Lahat ng gusto kong sabihin, dito ko lang ma-exexpress. Sa pagsusulat, maaring makakalma ng nararamdaman at nangyayari sa aking buhay. Sa totoo lang mahirap akong mailabas ang tunay kong nararamdaman. Kaya ito, naisipan kong dito na lang sa blog na ito, ipalabas ang lahat. Pagbibigay man ng opinion, please lang walang kokontra sa mga sasabihin ko. Maaring mag-commento pero sana lang intindihin muna ang laman ng bawat magiging entry ko. Advices are welcome. I would appreciate it. Pwede din kayo mag-share ng POV, experiences, or even comments about my topic but please choose the right words. OR ELSE! Lol.

Mabalik tayo sa topic, ang unang kong rant? Mga nakakainis na mga ka-trabaho ko. Mga bwiset sila! Kabago-bago lang nila sa trabaho, sobra na kung umasta! Merong feeling close sa lahat, feeling sosyal, feeling maganda! Feeling sa lahat! Merong feeling maganda at sosyal, mukha namang aso! Miss-know-it-all, hindi naman kagalingan. Merong garapal at patay gutom. Isa ka pang pangit, isa kang gilagid na tinubuan ng mukha! Mean na kung mean pero wala eh ito lang po ang katotohanan. Ayoko sila. Hindi po ako plastik. Ayoko silang kausapin, ni ayoko silang makita. Pero may magagawa ba ako? WALA. Mga kasamahan sa opisina.

Napaguusapan na nga ang opisina, lahat naman may pulitika. Pero ang amin na siguro ang pinakamalupet. Kakaunti na lang kami, ganito pa nangyayari.

Hay.

Minsan nakakasuka nang pumasok. Pero syempre kelangan.

Peste diba?

Subukan lang nilang makabangga ako, makakakita sila ng ibang ako.