Friday, September 12, 2008

Unang rant

Marami tayong kinaasaran sa buhay. Maaring tao, pangyayari sa buhay, gamit, nararamdaman sa sarili at marami pang iba. Tao lang. Minsan hindi nakokontento, hindi na masaya, at nadedepress lang paminsan minsan.

Itong blog na ito ay gagawin kong rant absorber ko. Lahat ng gusto kong sabihin, dito ko lang ma-exexpress. Sa pagsusulat, maaring makakalma ng nararamdaman at nangyayari sa aking buhay. Sa totoo lang mahirap akong mailabas ang tunay kong nararamdaman. Kaya ito, naisipan kong dito na lang sa blog na ito, ipalabas ang lahat. Pagbibigay man ng opinion, please lang walang kokontra sa mga sasabihin ko. Maaring mag-commento pero sana lang intindihin muna ang laman ng bawat magiging entry ko. Advices are welcome. I would appreciate it. Pwede din kayo mag-share ng POV, experiences, or even comments about my topic but please choose the right words. OR ELSE! Lol.

Mabalik tayo sa topic, ang unang kong rant? Mga nakakainis na mga ka-trabaho ko. Mga bwiset sila! Kabago-bago lang nila sa trabaho, sobra na kung umasta! Merong feeling close sa lahat, feeling sosyal, feeling maganda! Feeling sa lahat! Merong feeling maganda at sosyal, mukha namang aso! Miss-know-it-all, hindi naman kagalingan. Merong garapal at patay gutom. Isa ka pang pangit, isa kang gilagid na tinubuan ng mukha! Mean na kung mean pero wala eh ito lang po ang katotohanan. Ayoko sila. Hindi po ako plastik. Ayoko silang kausapin, ni ayoko silang makita. Pero may magagawa ba ako? WALA. Mga kasamahan sa opisina.

Napaguusapan na nga ang opisina, lahat naman may pulitika. Pero ang amin na siguro ang pinakamalupet. Kakaunti na lang kami, ganito pa nangyayari.

Hay.

Minsan nakakasuka nang pumasok. Pero syempre kelangan.

Peste diba?

Subukan lang nilang makabangga ako, makakakita sila ng ibang ako.

No comments: