Matagal tagal na rin akong di nakaka-post dito ng rant. Haha.. Namiss ko ang pagrarant ah!
Kaya ko naalala mag-blog ule dito kasi may bago akong kinakainit ng ulo. Itong majondag na ito. Merong bagong salta dito sa opisina at oo, majondag a.k.a matanda na siya. Ewan ko ba kung bakit na-hire ito kasi nanay looking na ito eh. Meron na daw siyang 5 na anak at isang ampon. Grabe sa katandaan na toh.
Ang ganda ganda na ng pagpasok ko kaninang umaga, bigla ba namang sinabi na maglog-in sa attendance. At sino ka para ibahin ang nakasanayan dito? Madalas kasing mga 10am na kami pumapasok sa opisina pero walang log-in sheet. Tapos bigla ba namang gumawa ng attendance sheet para daw ma-track sa payroll! At anong gusto mo palabasin? Ikaw na ang bantay sa mga lates and absences ng mga tao dito? Naku naku ah. Ke bago bago mo pa lang, MADIR! Ang sarap sarap ng buhay namin tapos bigla mong tututulan kasi maaga kang pumapasok! Ka-bwiset!
At pwede ba hina-hinaan mo nga yang ringtone ng cellphone m!. Buti kung maganda ang ringtone mo pero "PAPAYA"? Laos na yan! Sakit sa tenga! Nakakarindi ng araw ang tunog! Kelakas-lakas pa! Ka-init ng ulo ah!
Wednesday, February 11, 2009
Thursday, January 15, 2009
Mahirap singgilin
Nakakainis talaga yung mga may utang. Magaling lang sila sa utangan pero pagdating na sa bayaran, super hirap na! Hindi na mahagilap. Ang dami dami nilang nirarason. Tulad kanina, naninggil ako. Sabi ba naman, "Sabi ko lagpas January 15." Aba aba. Ano na bang petsa ngayon? January 16 na uy! At tska meron kang pinirmahan na PROMISORY NOTE na November 12 ka magbabayad!
Abay anong petsa na! Hay high-blood ka ah!
Abay anong petsa na! Hay high-blood ka ah!
Subscribe to:
Posts (Atom)