Matagal tagal na rin akong di nakaka-post dito ng rant. Haha.. Namiss ko ang pagrarant ah!
Kaya ko naalala mag-blog ule dito kasi may bago akong kinakainit ng ulo. Itong majondag na ito. Merong bagong salta dito sa opisina at oo, majondag a.k.a matanda na siya. Ewan ko ba kung bakit na-hire ito kasi nanay looking na ito eh. Meron na daw siyang 5 na anak at isang ampon. Grabe sa katandaan na toh.
Ang ganda ganda na ng pagpasok ko kaninang umaga, bigla ba namang sinabi na maglog-in sa attendance. At sino ka para ibahin ang nakasanayan dito? Madalas kasing mga 10am na kami pumapasok sa opisina pero walang log-in sheet. Tapos bigla ba namang gumawa ng attendance sheet para daw ma-track sa payroll! At anong gusto mo palabasin? Ikaw na ang bantay sa mga lates and absences ng mga tao dito? Naku naku ah. Ke bago bago mo pa lang, MADIR! Ang sarap sarap ng buhay namin tapos bigla mong tututulan kasi maaga kang pumapasok! Ka-bwiset!
At pwede ba hina-hinaan mo nga yang ringtone ng cellphone m!. Buti kung maganda ang ringtone mo pero "PAPAYA"? Laos na yan! Sakit sa tenga! Nakakarindi ng araw ang tunog! Kelakas-lakas pa! Ka-init ng ulo ah!
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment