My current rant: Mga mahilig mangutang na mahirap singgilin. Mga taong super nagmamakaawang mangutang sayo and take note, dapat ora mismo ang paglabas mo ng perang uutangin sayo. Kesho kelangan ngayong araw kasi ganito, ganyan. Eto naman akong si gaga/generous/mabait, sige at nagdeposit na sa bangko para maibigay na sa nanguutang. Pagbigay mo, super mega thank you sila, ikaw na ang savior at PROMISE babayaran ka (ng ganitong panahon). Sabihin nating next month. Ikaw naman si abang ng 1 buwan para singilin ang taong nangutang sayo. Dumating na ang araw ng singilan.
Ang sagot? Naku nakalimutan ko, titignan ko sa katapusan kung mabibigay ko na sa'yo." Hindi ba nakaka-imbyerna ang mga ganong tao? Tapos sige sobrang bait mo, hinayaan mo na lang. Pagdating ule ng kapatusan, ito naman ang sasabihin sayo - "Ay, Pwede bang (kalahati ng halagang inutang) na lang muna.. di ko talaga mabayaraan ng buo kasi ganito ganyan". Waaaahh! Mabuti kung bente, isang daan or 500 lang inutang mo sa akin eh. Pero libo-libo po! Mahiya ka naman sa balat mo! Nakakaasar ang mga ganitong tao noh? Grrrr!!!
Super next time, hindi na kita papautangin. Kahit umiyak ka pa ng dugo sa harapan ko, sorry na lang! :p
No comments:
Post a Comment